Skip to Content

Palagi

Palagi

- Ginoong Romantikong Umaasa


Ilang beses nang nangyari,

Nakakasawang pangyayari.

Isang siklo ng lungkot,

Puso ko'y talulot na lukot.


Dapat na ba 'kong magduda

Sa'king ugali at hitsura?

Magpakalunod sa dusa,

Magmumukmok ulit sa kama.


Tama na, huli na ito.

Isasarado na ang puso.

Palagi na lang ganito,

Naaawa sa sarili ko.


Hindi ko mararanasan,

'Sang malaking kabulaanan!

Patayin ang ideyalismo,

At konseptong paboritismo! 


Kailan pahahalagahan?

Tanging hiling: katahimikan.

Bakit pinaglalaruan?

Sinisigaw: kapayapaan!


Sarili'y pinabayaan,

Upang tunay mong maramdaman.

Hindi mo pa rin 'to pansin,

Kahit lagi kang pipiliin.


Maglaho at lumayo,

Para bang hindi naparito.

Luhang hindi na natuyo,

Kalimutan ang lahat ng 'to.


Iwanan ang lahat dito,

Tuluyan na akong lalayo.

Sundan mo na lang ako rito,

Halika, tayo'y magtatagpo.


Pagmasdan ang takipsilim,

Habang nagtatago sa dilim.

Lugar na walang may alam,

Hindi na muling magparamdam.

Ginoong Romantikong Umaasa May 5, 2025
Share this post
Go Back to library



Sacred Sacrifice