Lihim na Pag-ibig
-Ginoong Romantikong Umaasa
Binibining aking tinatangi
sa Maykapal, ika'y hinihingi.
Iyong mga mata'y kumikinang
ano pa nga ba ang sayo'y kulang?
Maaari ko bang punan ito,
upang ika'y hindi na malito?
Pagbigyang muli ang iyong puso
kita'y minamahal, oh hermosa.
Nais ko nang ipagtapat sa'yo
at palayain ang aking puso
Sabihin ang nilalaman nito,
at dam'hin ang pag-ibig na ito
Hindi mo man ito napapansin,
iniibig kita nang palihim
Gustong-gusto ko na ngang sabihin
ngunit ako'y puno ng panindim
Hanggang kailan ako maghihintay
sa iyong pusong tila nakabitay?
Mananatili na lang sa dilim
itong pag-ibig na aking lihim.