Isang Maulang Gabi
- Ginoong Romantikong Umaasa
Magdamag nakatingin sa kawalan
Nakatingin doon sa kalawakan
Nauubos ang oras sa orasan
Kalungkutan na nais nang wakasan
Sino kaya ang dapat na lapitan?
Sino kaya ang dapat na kapitan?
Kapag sumasapit ang kalungkutan,
Walang 'sangga, hindi niyo nalalaman.
Sige ibuhos ang malakas na ulan!
Sabay ng damdamin kong nasaksaktan
Mga luha kong nagsisipatakan
mata kong mulat sa katotohanan.
Hindi sa lahat ng pagkakataon
mahalaga ka at minamahal ka.
Hindi sa lahat ng pagkakataon makakasama mo sila, tuwina.
Hindi sa lahat ng pagkakataon tatangi at pipiliin ka nila.
Kung kaya't matuto na mapag -isa
Mahalin ang sarili't huwag magluksa
'Takwil ang mga takot at pangamba
Matutong tumayo sa sariling paa.