Skip to Content

Isang Gabing Lumisan ang Buwan

Isang Gabing Lumisan ang Buwan

-Ginoong Romantikong Umaasa


Nakadungaw sa madilim na kalangitan,

Hinahanap ano nga ba ang kahulugan?

Saklolo at tulong ang aking panambitan.

Manatili ka nawa, o aking sandigan.


Tangis pinipigilan, ayokong lumuha.

Bakit kapayapaa'y laging kinukuha?

Pambihira isang siklong nakakasawa!

Pagmasdan aking sarili'y nakakaawa.


Tumingala, hinahanap pa rin ang Luna.

Pati ba naman ikaw lumisan talaga?

Palagi na lamang, ba't perpekto sa una

ngunit sa huli'y bigo, o anong hiwaga?


Bibilangin na lang lahat ng mga tala.

Upang matapos lahat ng maling akala

O hahabulin itong aninong repleksyon?

Sisisihin, itutuon ang atensiyon.


Patuloy na magtatago upang umiyak,

kaysa ako'y magbahagi sa hindi tiyak.

Madilim man ang langit sa lalim ng gabi,

Liwayway nama'y nagpapangiti sa labi.

Ginoong Romantikong Umaasa October 12, 2024
Share this post
Go Back to library



Lihim na Pag-ibig