Skip to Content

Buhangin

Buhangin

-Ginoong Romantikong Umaasa


Siguro nga'y wala namang halaga

Ang pagtangis at pagpatak ng luha

Siguro nga'y wala naman talaga

hindi ko maintindiha't makukuha.


Hanggang saan kaya ako dadalhin?

Patuloy lang sa paglipad sa hangin

sa bawat dampi sa inyong paningin,

tinataboy,pinipilit alisin.


Hanggang sa lumipas ang mga araw

hindi na muli akong matatanaw.

Palayo sabay sa agos ng mundo

Alikabok na piniling huminto.


Nakaimprinta mga marka nila,

mga markang puno ng ala-ala.

Alikabok sa disyerto at isla

'sing lawak na dagat ng mga luha.


Hanggang kailan tatangayin ng hangin ?

Hanggang kailan pilit niyong aalisin?

Hanggang kailan lilipad papalayo?

Hanggang kailan tatangis, magpapasuyo?

 

Ginoong Romantikong Umaasa September 7, 2024
Share this post
Go Back to library



Isang Maulang Gabi